“So it’s not gonna be easy. It’s gonna be really hard. We’re gonna have to work at this every day, but I want to do that because I want you. I want all of you, for ever, you and me, every day.”
-Noah, The Notebook
Source: arjohnyabut
Merry Christmas, tumblr people.
Pangalawang Pasko ko na ‘to sa tumblr. Akalain mo yun, isang taon na pala akong may tumblr. Haha Kaso hindi na ako masyadong nagpopost lately eh. Tinamad na talaga ako eh. Haha Naging very busy kasi eh hanggang sa ayun naging inactive at silent na. Sobrang namimiss ko na yung mga naging friends ko dito sa tumblr. Yung talagang dito ko lang nakilala sa site na ‘to. Mga awesome kasi talaga sila. Siguro naman, hindi pa nila ako nakakalimutan. Haha Merry Christmas sa inyong lahat.
Sa inuman, hinding hindi talaga pwedeng mangyari na ako ang malalasing at hindi makakaalala ng mga pangyayari. Gusto ko, ako ang magkokontrol at magmamanipula sa mga lasing, para gumawa ng mga kahihiyan na ipagkakalat ko kinabukasan sa tropa! Hahahahhaha
Sa sobrang gutom ko, binuksan ko na talaga tong isang lata ng Pineapple Tidbits na dapat sana ay panghalo sa fruit salad na para sa pasko. Wala silang kaalam alam na nilalamon ko na ito ngayon. Mamaya ko na lang sasabihin pagkagising nila. Papalitan ko na lang. Haha
Kahit sino naman ang agawan ng bagay na alam niyang pagmamay-ari niya, siyempre ipaglalaban niya yun diba. Pero kung hindi naman ganun kahalaga yung bagay na yun, eh hayaan na lang. Haynako, sa kanya na. Kawawa naman. Nakakahiya naman kasing magkandarapa sa isang bagay na wala namang kwenta. Tutal, ang cheap, para lang naman talaga sa cheap. Haha
There’s always a bit of both sweet happiness and bitter sadness every time I look and stare at your eyes.
3 hours of sleep for seven straight nights. My head hurts so much. Wake up, eat breakfast and drink lots of coffee to stay awake for long. When I feel sleepy during daytime, I drink lots of energy drink and take my multivitamins. Is this alright? Will I get some kind of side-effect? Haha
Sa tuwing naaalala ko kung gaano ako kahayok sa alak noon ay nauuhaw ako at parang gusto kong magwala, at uminom! Ngayon mismo! Gaaaaaah. What happened to me? I used to be drinking almost every night. Ngayon, wala na akong oras at pagkakataon to do so. Matagal na rin yung last time na uminom ako ng todo todo. Wala pa akong work noon. Sabi nila, pag daw halos araw araw ka umiinom, eh parang hindi ka na tatablan ng alak at matagal ka bago malasing. Pero kapag daw matagal kang nahinto sa pag-iinom, eh mabilis kang malalasing agad. Pero sa tingin ko, ako hindi. Haha Kasi kating kati na talaga lalamunan ko ngayon sa alak. Nakakamiss. Haha
Takot na ako. Hindi na ako yung tulad nung dati na madaling makuha ng magaganda at matatamis na salita. Haha Alam mo yung kaunting lambing lang eh bibigay na kaagad ako. In short, madaling ma-flirt. Haha Mabilis kasi ako mahulog sa bitag ng mga taong malalandi. Marupok at madaling matukso. Pero ngayon, ay sobrang hindi na. Natatakot na akong magtiwala nang husto. Nakatatak na sa isip ko ay parang kahit sinumang magtangkang lumapit sa akin ay may hindi magandang balak. Parang lahat ay suspect na di dapat pagkatiwalaan. Lahat ay mga snatcher na nanakawin ang puso ko pero ibebenta lang din naman sa iba. Para na akong laging may shield. Kahit anumang sabihin ng iba na wag kang matakot magmahal ulit ganyan ganyan, wala akong pakialam. Posible pa naman, pero mas maingat lang talaga na ako.
Yung makita mo lang yung pangalan niya kahit saan, sa facebook man, eh parang nakakagulat, at parang may kakaiba ka na agad na mararamdaman. Tangina naman, pangalan pa lang yun. Grrr, mahal na ba pag ganun. Bwisit naman.
Haynako, ang sarap mag-resign sa trabaho. Hindi dahil sa hirap ng trabaho, kundi sa mga katrabaho mong napakahirap kasama, mga nakakabwisit ang ugali. Kahit naman gaano kahirap yung trabaho, kayang kaya ko naman indahin yun eh. Kung araw araw mo naman ginagawa, kahit nakakapagod, nakakaya naman at nalalagpasan. Pero kung yung ibang tao ang nagpapahirap sa working condition mo, sobrang hirap. Ang hirap makisama sa mga taong may kakaibang pag-uugali. Nakakabwisit. Ang sarap iwanan.
moody
Ewan ko ba kung kailan ako nagsimulang maging ganito. Minsan naiinis na rin ako sa sarili ko sa pagiging moody ko. May mga pagkakataon kasi halimbawa na sobrang saya ko sa oras na yun tapos pag may nakita akong isang bagay, tao or lugar na significant sa akin na pwedeng magbalik ng isang memory na hindi masyadong maganda, eh biglang babagsak ang mood ko at maiirita o maiinis o malulungkot ako bigla. Tapos sa umpisa hindi ko papansinin at magfofocus ako sa nangyayari sa paligid, then pag nagkaroon ako ng blank moment, yung wala akong kausap at nag-iisip lang ako, ganun na naman, makakapag-isip na naman ako ng nakaka bad vibes na scenario. Sa loob ng isang araw, normal na siguro sa akin ang maranasan lahat ng emosyon, matuwa, malungkot, magalit, mainis, mairita. Hmmm baliw na siguro ako. Baka may kakaiba na akong psychological disorder. Haha Oh puta, pati habang ginagawa ko itong text post na ito eh iba iba ang emosyong gusto kong iparating. Haha Puta ewan ko ba.
Jhan • 18 • born August 3rd
Leo • Assertive • Independent
Simple • Fun-loving • Outgoing
Moody • Emotional • Vain
This is a personal microblog.
In here are my thoughts.
Personal stories. Experiences.
Anything I want to share.
Anything to express myself.
Simple and white. A canvass.
Surface of emotionlessness.
Ask me anything
